Thursday, 27 August 2009

Isang taon na kami sa Kiwiland

Agosto 2009

Isang taon na pala ang nakararaan nang lumipat kami sa Kiwiland. At ano naman kaya ang nagbago? Kahapon lang sabi ko sa isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan, nag-iba na ang pananaw ko sa kahulugan ng pag-asenso. Dati kasi, katumbas ng pera, pag-angat at pagkilala sa trabaho ang pag-asenso ko. Pero ngayon, alam kong mas umasenso na ako kasi alam ko na paano maging kuntento.

Mas may oras na ako para alagaan ang pamilya ko. Sa loob ng isang taon, natuto akong magluto at maging "hands-on" sa lahat ng bagay -- ngayon nakikipaglaro na ako ng soccer kay Marius, kahit hindi ako marunong. Naglalakad ako sa tabing-dagat at sinasabi ko sa sarili ko, "salamat sa malinis na hangin na nalalanghap ko." May bahay kaming natutuluyan, kumakain buong araw at nagliliwaliw paminsan-minsan. May oras na kami para maging pamilya.

Alam ko parang napaka-simple pakinggan, pero ito ang nagpapasaya sa akin ngayon. Masaya maging kuntento sa buhay na meron ka. Yung trabaho na gusto ko? Makapaghihintay yun. Sa ngayon, pamilya lang muna ang aasikasuhin ko. Kasi may paparating na anghel ulit sa buhay namin -- ito na marahil ang pinakamalaking "blessing" sa amin. Salamat ulit kasi todo-todong pag-asenso na ito. :)